top of page
  • Writer's pictureIvory Music & Video

Erik Allen: biochemistry student na natupad ang pangarap na sumabak sa music scene



Ang 21-year-old aspiring singer na si Erik Allen ang bagong talent ng Virtual Playground, ang talent management company nina Charlie Dy at Dondon Monteverde.


Ang tunay niyang pangalan ay Erik Allen de Leon. Third-year Biochemistry student si Erik at may taas na 6'2, pero pagkanta at hindi paglalaro ng basketball ang pinasok niya.


Natupad ang pangarap niya dahil sa kanyang tiyo na inilapit siya kay Charlie, na kilala sa pamamahala ng career ng mga sikat na basketball player at atleta.


"Wala po akong formal training sa music. Isang araw lang po, nag-decide ako na kumanta. Nag-try po ako na mag-karaoke tapos nag-try po ako na mag-guitar.


"Recently, nag-search ako sa YouTube ng mga video about proper breathing. Pero given the opportunity, I pretty much want to take formal training in music," kuwento ni Erik.


Ayon kay Erik, naging daan ang pandemya para matuklasan ang interes niya sa pagkanta.

"Naging coping mechanism ko po ang pandemic. Parang yun ang outlet namin when it comes to expressing our art, our anxieties.


RELEASES HIS FIRST SINGLE:

Lubos ang ligaya niya nang matupad ang ambisyon niyang maging singer at songwriter dahil siya ang composer ng "Langoy," ang kanyang debut single sa Enterphil Inc. ng Ivory Music.


"Sobrang thankful ko po. Hindi ko po alam ang emotions na mapi-feel ko kasi ito yung first release ko.


"Tapos parang naba-validate na ako na talagang may talent pala ako. Na may mga tao na naniniwala sa akin.


"I’m so ecstatic, thankful, and blessed na nabigyan ako ng opportunity nina Sir Dondon and Sir Charlie.


"Sa lahat ng mga tumulong sa akin. I cannot express how happy I am to be able to have this opportunity.

Comments


bottom of page